Wednesday, July 8, 2009
Panalangin Para sa Taon ng Mga Pari
(Salin ng Panalangin ng Kanyang Kabanalan Papa Benito XVI sa harapan ng Relikya ng Puso ni San Juan Maria Vianney sa okasyon ng pagpapasinaya ng Taon ng Mga Pari, Hunyo 19, 2009)
Panginoong Hesus,
minarapat mong ipagkaloob sa iyong Simbahan
sa katauhan ni San Juan Maria Vianney
ang isang malinaw na larawan
ng iyong pagkalinga sa amin bilang pastol;
itulot mo na kapiling niya at sang-ayon sa kanyang halimbawa,
maipagdiwang namin nang ganap
ang Taong ito ng mga Pari.
Itulot mo nawa,
na tulad niyang humuhugot ng lakas sa Eukaristiya,
maibahagi namin nang payak sa bawat araw
ang iyong salitang nagtuturo sa amin;
at taglayin ang pag-ibig niyang
umagapay sa mga makasalanang nagbabalik-loob;
puno ng lakas ng loob na mula sa aming lubos na pagtitiwala
sa iyong kalinis-linisang Ina.
Itulot mo, Panginoon,
na sa tulong ng Banal na Kura ng Ars,
ang mga Kristiyanong pamilya ay maging tunay na "munting Simbahan"
na handang tumanggap at nagpapahalaga
sa tawag ng bokasyon at mga kaloob
na nagmumula sa iyong Espiritu.
Itulot mo Poong Hesus,
na mabigkas naming kasing-rubdob ng pag-ibig ng Banal na Kura,
ang panalangin iniukol niya sa iyo:
"Iniibig kita, O aking Diyos,
at ang tangi kong hangad ay ang ibigin ka
hanggang sa aking huling hininga.
Iniibig kita, o pinakakaibig- ibig na Diyos,
at mas iibigin ko pang mamatay sa pag-ibig sa Iyo
kaysa mabuhay nang kahit isang sandaling
hindi ka iniibig.
Iniibig kita, Panginoon,
at ang tanging biyayang hiling ko sa'yo
ay ang ibigin ka magpakailanman.
O Diyos ko,
kundiman kaya ng dila kong bigkasin
sa bawat sandali
na iniibig kita,
hayaan mong ulit-ulitin ng aking puso sa'yo
sa aking bawat hininga:
'Iniibig kita'.
Iniibig kita,
O aking Poong Tagapagligtas,
sapagkat para sa akin ay nabayubay ka,
at tangan mo ako ngayong
nakapako sa piling mo.
O Diyos ko,
itulot mo sa akin ang biyayang mamatay
nang umiibig at
umiibig nang lubos sa iyo."
Amen.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment